Linggo, Hulyo 17, 2016

KULTURA,PANINIWALA,AT PAGPAPAHALAGA NG MGA PILIPINO







Kultura


 

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.



Paniniwala

  • Sa Kusina:
     

    Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
    Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
    Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
    Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.
     
  • Sa Kasal:
     

    Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
    Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
    Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
    Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.
     
  • Kapag may sumakabilang-buhay
     

    Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
    Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
    Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
     – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
    Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
    Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
    Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
     
  • Iba pang pamahiin:
     
    Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
    “Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
    Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
    Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)

 

Pagpapahalaga

 

  • Pagmamahal sa Bayan

 


      Hindi na matatawaran ang pagkamakabayan ng mga Pilipino dahil sa ipinakitang kagitingan ng ating mga bayani sa pagtatanggol sa bansa noong panahon pa man ng mga Kastila. Sa makabagong panahon ay nananatili pa rin ang pagpapahalaga at pag mamahal ng mga Pilipino sa bayan. Ang kahalagahang ay kinakailangan para sa kaunlaran ng bansa.

 

  • Nagbabayad ng tamang buwis

 

       Kung tayo ay may mga karapatang tinatamasa, mayroon naman tayong tungkuling dapat gampanan. Isa sa ating tungkulin bilang mamamayang may pagmamahal sa bansa ay ang pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan. Sa buwis na ibinabayad nanggagaling ang ginagastang salapi ng pamahalaan upang maipatupad ang mga proyektong pangkabuhayan, pangkagalingan at panlipunan.

 

  • Ipinagtatanggol ang bansa kung kinakailangan

 

        Sa panahon ng kagipitan o nanganganib ang kapayapaang panlabas ng bansa laban sa mga dayuhan, kinakailangang maging handa ang mga kalalakihan upang ipagtanggol ang bansa. Ang mga mag-aaral na lalaki na malulusog at mga pagsasabay na panghukbo ay dapat tumugon sa pangangailangan ng bansa kung hinihingi ng pagkakataon.

 

  • Iginagalang ang mga sagisag ng bansa

 


      Bilang Pilipino, dapat nating igalang ang mga sagisag ng ating bansa. Sa pamamagitan lamang nito makikita ang ating pagiging lahing Pilipino.

 

  • Ipinakikita ang pagmamahalan sa sariling wika

 


     May humigit-kumulang na 80 wika mayroon tayong mga Pilipino. Ang wika ay isang sagisag ng pagkakakilanlan natin at sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating mga damdamin at saloobin. Ang paggamit ng sariling wika ay pagpapatunay ng pagmamahal sa bayan, kung kaya dapat nating palaganapin ang paggamit nito. Makatutulong din ito sa pagpapaunlad ng bansa dahil mapadadali at mapabibilis niti ang komunikasyon at pagkakaunawaan ng bawat isa.

 

  • Pagtutulungan

 


      Ang pagiging matulungin ay isang katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino. Angpagtutulungan o pagdadamayan ay naipapakita lalo na sa panahon ng kagipitan o kalamidad. Kung panahon ng bagyo, sunog o lindol., maraming mammayang Pilipino ang tumutulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapadala ng lumang damit, pagkain, gamot, salapi at iba pang uri ng pagtulong .

 

     Anumang bagay ay gumagaan kapag bawat isa ay nagtutulungan. Winika nga ng dating pangulong Fidel V. Ramos, " kaya natin anumang problema, basta tayo ay sama-sama."

 

 

  • Edukasyon

 


Malaki ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa edukasyon. Kahit gaanong hirap ay tinitiis ng magulang matustusan lamang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak.

 

Naniniwal ang mga magulang na sa pamamagitan ng pagpapatapos sa kanilang mga anak sa pag-aaral ay mahahango sila sa kahirapan at giginhawa ang uri ng kanilang pamumuhay.

 

 

 

 

1 komento: