Kultura
Ang kultura
ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya
ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at
mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking
kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang
Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay
maraming hiniram na salita galing Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Paniniwala
Pagpapahalaga
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Paniniwala
- Sa Kusina:
- Sa Kasal:
- Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong– upang hindi sila guluhin ng namayapa.Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respetoBawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit. - Iba pang pamahiin:Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)
Pagpapahalaga
- Pagmamahal sa Bayan
Hindi na matatawaran ang pagkamakabayan
ng mga Pilipino dahil sa ipinakitang kagitingan ng ating mga bayani sa
pagtatanggol sa bansa noong panahon pa man ng mga Kastila. Sa makabagong
panahon ay nananatili pa rin ang pagpapahalaga at pag mamahal ng mga Pilipino
sa bayan. Ang kahalagahang ay kinakailangan para sa kaunlaran ng bansa.
- Nagbabayad ng tamang buwis
Kung tayo ay may mga karapatang
tinatamasa, mayroon naman tayong tungkuling dapat gampanan. Isa sa ating
tungkulin bilang mamamayang may pagmamahal sa bansa ay ang pagbabayad ng tamang
buwis sa pamahalaan. Sa buwis na ibinabayad nanggagaling ang ginagastang salapi
ng pamahalaan upang maipatupad ang mga proyektong pangkabuhayan, pangkagalingan
at panlipunan.
- Ipinagtatanggol ang bansa kung kinakailangan
Sa panahon ng kagipitan o nanganganib ang
kapayapaang panlabas ng bansa laban sa mga dayuhan, kinakailangang maging handa
ang mga kalalakihan upang ipagtanggol ang bansa. Ang mga mag-aaral na lalaki na
malulusog at mga pagsasabay na panghukbo ay dapat tumugon sa pangangailangan ng
bansa kung hinihingi ng pagkakataon.
- Iginagalang ang mga sagisag ng bansa
Bilang Pilipino, dapat nating igalang ang
mga sagisag ng ating bansa. Sa pamamagitan lamang nito makikita ang ating
pagiging lahing Pilipino.
- Ipinakikita ang pagmamahalan sa sariling wika
May humigit-kumulang na 80 wika mayroon
tayong mga Pilipino. Ang wika ay isang sagisag ng pagkakakilanlan natin at sa
pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating mga damdamin at saloobin. Ang
paggamit ng sariling wika ay pagpapatunay ng pagmamahal sa bayan, kung kaya
dapat nating palaganapin ang paggamit nito. Makatutulong din ito sa
pagpapaunlad ng bansa dahil mapadadali at mapabibilis niti ang komunikasyon at
pagkakaunawaan ng bawat isa.
- Pagtutulungan
Ang pagiging matulungin ay isang
katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino. Angpagtutulungan o pagdadamayan
ay naipapakita lalo na sa panahon ng kagipitan o kalamidad. Kung panahon ng
bagyo, sunog o lindol., maraming mammayang Pilipino ang tumutulong sa kapwa sa
pamamagitan ng pagpapadala ng lumang damit, pagkain, gamot, salapi at iba pang
uri ng pagtulong .
Anumang bagay ay gumagaan kapag bawat isa
ay nagtutulungan. Winika nga ng dating pangulong Fidel V. Ramos, " kaya
natin anumang problema, basta tayo ay sama-sama."
- Edukasyon
Malaki ang
pagpapahalaga nating mga Pilipino sa edukasyon. Kahit gaanong hirap ay tinitiis
ng magulang matustusan lamang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Naniniwal
ang mga magulang na sa pamamagitan ng pagpapatapos sa kanilang mga anak sa
pag-aaral ay mahahango sila sa kahirapan at giginhawa ang uri ng kanilang
pamumuhay.